Tsina, sumusuporta sa prosesong pangkapayapaan ng Myanmar-Ministrong Panlabas Wang Yi

2017-11-20 16:17:47 CRI

Nay Pyi Taw, Myanmar-Ipinahayag Nobyembre 19, 2017 ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina ang pagbibigay-suporta sa prosesong pangkapayapaan ng Myanmar. Winika ito ni Wang sa isang preskong dinaluhan niya, kasama ng kanyang Myanmese counterpart na si Aung San Suu Kyi.

Ipinahayag ni Wang na sa mula't mula pa, gumagalang ang Tsina sa soberanya, kasarinlan, at kabuuan ng teritoryo ng Myanmar. Umaasa aniya ang Tsina na maisasakatuparan ng Myanmar ang pangmatagalang katatagan sa gawing hilaga ng bansa, sa pamamagitan ng paggiit ng “Diwa ng Panglong,” pagpapasulong ng balangkas ng Konstitusyon ng bansa, at mapagkaibigang pakikipagdiyalogo sa mga armadong grupong etniko. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar, para patingkarin ang papel ng “2+2” mekanismong pandiplomasiya at pandepensa. Ito aniya ay para magkasamang pangalagaan ang katatagan sa purok-hanggahan, at pahigpitin ang pagtutulungan ng dalawang bansa.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino