Hinggil sa teroristikong pag-atake sa Ehipto: buong tatag itong tinututulan ng Tsina — Xi Jinping

2017-11-26 15:05:41

Kaugnay ng naganap na grabeng teroristikong pagsalakay sa isang moske sa lalawigang North Sinai ng Ehipto, ipinadala Sabado, Nobyembre 25, 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe sa kanyang Egyptian counterpart na si Abdel Fattah al Sisi bilang lubos na pakikidalamhati sa mga inosenteng biktima, at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima at mga nasugatan.

Sa kanyang mensahe, tinukoy ng pangulong Tsino na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang anumang porma ng terorismo. Mahigpit din niyang kinondena ang nasabing teroristikong pag-atake. Aniya pa, buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng Ehipto para mapangalagaan ang seguridad at katatagan ng bansa, at pagbibigay-dagok sa terorismo.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino