Premyer Tsino, nagpadala ng mensahe kay Sherif Ismail

2017-11-26 15:08:52

Kaugnay ng naganap na grabeng teroristikong pagsalakay sa isang moske sa lalawigang North Sinai ng Ehipto, ipinadala Sabado, Nobyembre 25, 2017, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe sa kanyang Egyptian counterpartna na si Sherif Ismail bilang lubos na pakikidalamhati sa malaking human casualty, at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima at mga nasugatan.

Sa kanyang mensahe, ipinagdiinan ng premyer Tsino na magsisikap ang Tsina, kasama ng Ehipto, upang magkasamang tutulan ang anumang porma ng terorismo.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino