Lider ng Tsina at Brunei, nag-usap

2017-11-27 14:26:20 CRI

Bandar Seri Begawan, Brunei-Kinatagpo Nobyembre 25, 2017 ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei ang dumadalaw na Prokurador Heneral ng Kataas-taasang Prokuraturang Bayan ng Tsina na si Cao Jianming.

Ipinahayag ni Cao ang pasasalamat sa pagbibigay-suporta ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah sa pinahigpit na pagpapalitan ng mga prokuraturang organo ng Tsina at Brunei, at Ika-11 China ASEAN Prosecutor-General Conference. Nakahanda aniya ang Kataas-taasang Prokuraturang Bayan ng Tsina na magsikap, kasama ng Bruneian counterpart, para palalimin ang pragmatikong pagtutulungan.

Ipinahayag naman ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah na pinahahalagahan ng Brunei ang pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda itong magsikap, kasama ng Tsina para patibayin ang pagtitiwalaang pampulitika, at palawakin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Ito aniya'y para bigyan ng ginhawa ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino