Gagawing pagdalaw ng Punong Ministro ng Kanada, ibayo pang magpapasigla ng relasyong Sino-Canadian-Tagapagsalitang Tsino

2017-11-28 11:05:00 CRI

Ipinahayag Nobyembre 27, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, dadalaw sa Tsina si Punong Ministro Justin Trudeau ng Kanada mula ika-3 hanggang ika-7 ng Disyembre. Aniya, dadalo rin siya sa Ika-2 Regular na Taunang Diyalogo ng mga PM ng dalawang bansa.

Ani Geng, bilang dalawang mahalagang bansa sa Asya-Pasipiko, malawak ang komong interes at pagtutulungan ng Tsina at Kanada. Aniya, kasalukuyang nananatiling mainam ang tunguhing pangkaunlaran ng pagtutulungan ng Tsina at Kanada. Ito aniya'y magdudulot ng pagkakataon para ibayo pang mapasulong ang pagtutulungang ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino