Ika-3 Pulong ng Mekanismo ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at Indonesia, idinaos

2017-11-29 10:29:15

Ika-3 Pulong ng Mekanismo ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at Indonesia, idinaos

Solo, Indonesia - Idinaos Martes, Nobyembre 28, 2017, ang Ika-3 Pulong ng Mekanismo ng Pagpapalitang Pangkultura sa Antas ng Pangalawang Punong Ministro ng Tsina at Indonesia. Magkasamang nangulo sa pulong sina Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina; at Puan Maharani, Ministro ng Coordinating Ministry for Human Development and Cultural Affairs ng Indonesia.

Ipinahayag ni Liu na ang naturang mekanismo ay isang mahalagang hakbang upang maisakatuparan ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa at magkasamang mapasulong ang konstruksyon ng "Belt and Road." Aniya, sapul noong 2015, tulad ng diyalogo ng seguridad na pampulitika at diyalogong pangkabuhayan sa mataas na antas, ang mekanismong ito ay nagsisilbing mahalagang sandigan para koordinahin at pasulungin ang relasyong Sino-Indones. Dapat lubos na patingkarin ng dalawang bansa ang papel ng nasabing mekanismo para ibayo pang mapasulong ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Puan Maharani na nitong tatlong taong nakalipas, sapul nang maitatag ang nasabing mekanismo, natamo ng dalawang bansa ang kapansin-pansing bunga sa mga larangang gaya ng edukasyon, siyensiya't teknolohiya, kultura, kalusugan, at palakasan. Umaasa aniya siyang walang humpay na mapapalawak at mapapalalim ng dalawang panig ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan upang makapaghatid ng mas malaking kapakanan sa kanilang mga mamamayan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino