Sentro ng Kooperasyong Pangkapaligiran ng Lancang-Mekong River, naitatag

2017-11-29 15:56:25

Beijing - Naitatag Martes, Nobyembre 28, 2017, ang Sentro ng Kooperasyong Pangkapaligiran ng Lancang-Mekong River. Ito ay makakapagpasulong ng kooperasyon sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng anim na bansa sa rehiyong Lancang-Mekong na gaya ng Tsina, Cambodia, Biyetnam, Laos, Myanmar, at Thailand, at makakapagpasulong ng sustenableng pag-unlad.

Sa seremonya ng pagtatatag, sinabi ni Huang Runqiu, Pangalawang Ministro ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina, na bilang pawang umuunlad na bansa, kinakaharap ng mga bansa sa Lancang-Mekong River ang katulad na problema sa pag-unlad ng kabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran. Ang pagbabahaginan ng karanasan ng pangangalaga sa kapaligiran, pagpapabuti ng kalidad ng kapaligiran, at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ay komong hangarin ng iba't-ibang bansa, aniya pa.

Ipinahayag din niya na sa hinaharap, patitingkarin ng nasabing sentro ang papel nito upang magkaloob ng pagkatig sa kooperasyong panrehiyon sa usapin ng pangangalaga sa kapaligiran.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino