Tsina, suportado ang pagsasakatuparan ng kapayapaan sa Gitnang Silangan

2017-11-30 11:36:21 CRI

Idinaos Nobyembre 29, 2017 ang Pangkalahatang Asemblea ng UN, bilang paggunita sa International Day of Solidarity with Palestinian People.

Nang araw ring iyon, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa pagtitipon.

Ipinahayag ng Pangulong Tsino, na bilang ugat sa isyu ng Gitnang Silangan, ang makatarungan at komprehensibong paglutas sa isyu ng Palestina ay hindi lamang angkop sa interes ng mga mamamayan ng mga may-kinalamang bansa't rehiyon, kundi makakatulong din sa kapayapaan at katatagan ng daigdig. Aniya, bilang tagapagsuporta sa pagsasakatuparan ng kapayapaan ng Palestina at Israel, iniharap ng Tsina ang apat na mungkahi hinggil sa paglutas sa isyu ng Palestina, noong Hulyo ng kasalukuyang taon. Ito aniya'y para pasulungin ang muling pagtatatag ng pagtitiwalaan sa pagitan ng Palestina at Israel, at pagpapanumbalik ng talastasang pangkapayapaan ng dalawang panig. Dagdag pa niya, bilang Pirmihang Kinatawan ng UN Security Council at responsableng mahalagang bansa sa daigdig, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig para maisakatuparan ang komprehensibo, makatarungan, at pangmatagalang kapayapaan ng Gitnang Silangan, sa lalong madaling panahon.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino