Tsina, buong tatag na kakatigan ang konstruksyon ng komunidad ng ASEAN

2017-11-30 15:22:44

Tsina, buong tatag na kakatigan ang konstruksyon ng komunidad ng ASEAN

Jakarta - Sa kanyang pagbisita kamakailan kay Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, ipinahayag ni Xu Bu, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN. Natamo aniya ng dalawang panig ang kapansin-pansing bunga sa mga larangang gaya ng seguridad na pulitikal, kabuhayan at kalakalan, at kultura. Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa ibinibigay na pagkatig ni Le Luong Minh sa kanya.

Idinagdag pa ni Xu na buong tatag na kakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng komunidad ng ASEAN, at kakatigan din ang "namumunong katayuan" ng ASEAN sa mga kooperasyong panrehiyon.

Lubos na hinahangaan naman ni Le Luong Minh ang ginawang pagsisikap ni Xu sa pagpapasulong ng relasyong ASEAN-Sino. Inaasahan aniya ng ASEAN na ibayo pang mapapalalim ang kooperasyong ASEAN-Sino sa iba't-ibang larangan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino