Lider ng Tsina at Amerika, nag-usap

2017-12-01 12:12:48 CRI

Nakipag-usap sa Beijing Nobyembre 29, 2017 si Pangulo Xi Jinping ng Tsina kay dumadalaw na dating Pangulo Barack Obama ng Amerika. Ipinahayag ni Pangulo Xi ang pagpapahalaga sa pagsisikap ni Ginoong Obama sa kanyang termino bilang pangulo, sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano.

Binigyang diin ng Pangulong Tsino na ang pagsasakatuparan ng matatag at malusog na relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa interes ng Tsina at Amerika, at ibat-ibang bansa sa daigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Amerika, para pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan, para sa ibayo pang pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang panig.

Inilahad din ni Xi kay Obama ang bungang natamo sa 19th CPC National Congress.

Ipinahayag naman ni Ginoong Barack Obama ang pagpapahalaga sa namumukod na tagumpay sa pambansang konstruksyon at pag-unlad ng Tsina. Aniya, ang pagpapasulong ng konstruktibong relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa komong interes ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika. Nakahanda aniya siyang magsikap para ibayo pang mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino