Regular na magkasanib na pamamatrolya ng Tsina't Vietnam sa Beibu Bay, idaraos

2017-12-01 16:29:55 CRI

Nakatakdang idaos ng mga hukbong pandagat ng Tsina't Vietnam ang Ika-23 Magkasanib na Pamamatrolya sa Beibu Bay sa unang dako ng buwang ito. Kasabay nito, magsasagawa rin ang dalawang panig ng magkasanib na ensayo sa komunikasyon, at paghahanap at pagliligtas.

Ito ang ipinahayag ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina sa regular na preskon Huwebes, Nobyembre 30, 2017.

Inulit din ng tagapagsalitang Tsino ang pagpapahalaga sa relasyon ng mga hukbo ng Tsina at Vietnam para magkasamang pangalagaan ang katatagan at kaayusan ng Beibu Bay at mga komong lugar-pangisda.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino