Pangulong Tsino, dumalo at bumigkas ng talumpati sa CPC in Dialogue with World Political Parties High-Level Meeting

2017-12-02 09:10:02

Pangulong Tsino, dumalo at bumigkas ng talumpati sa CPC in Dialogue with World Political Parties High-Level Meeting

Beijing - Sa kanyang pagdalo Biyernes, Disyembre 1, 2017, sa seremonya ng pagbubukas ng CPC in Dialogue with World Political Parties High-Level Meeting, bumigkas ng talumpating pinamagatang “Magkakasamang Pagtatatag ng Mas Magandang Daigdig” si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa. Ipinagdiinan ni Xi na tulad ng dati, patuloy na magbibigay ang CPC ng ambag para sa kapayapaan at katatagan, komong kaunlaran, at pagpapalitan ng buong daigdig.

Ani Xi, sa kasalukuyan, nagbabago ang kayariang pandaigdig, gayundin ang kayariang pangkaunlaran. Dapat aniyang palalimin ng mga partido ng iba't-ibang bansa ang kanilang pagtitiwalaan, palakasin ang pagkokoordinahan upang maitatag ang bagong relasyon sa pagitan ng mga partido na may paggagalangan sa isa't-isa.

Idinagdag ni Pangulong Xi na sa loob ng darating na limang taon, ipagkakaloob ng Tsina ang pagkakataon sa 15,000 miyembro ng mga partido ng daigdig sa pagbiyahe sa Tsina. Iminungkahi rin niyang gawing mekanismo ang nasabing diyalogo upang ito ay maging mataas na plataporma ng diyalogong pulitikal na may malawakang representasyon at impluwensiyang pandaigdig.

Pangulong Tsino, dumalo at bumigkas ng talumpati sa CPC in Dialogue with World Political Parties High-Level Meeting

Dumalo sa nasabing apat na araw na diyalogo ang mahigit 600 kinatawan ng halos 300 partido at organisasyong pulitikal mula sa mahigit 120 bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino