Premyer Tsino, dumalo sa Ika-16 na SCO Prime Ministers' meeting

2017-12-02 15:16:59

Sochi, Rusya - Dumalo Biyernes, Disyembre 1, 2017, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa 16th Prime Ministers' Meeting ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).  

Premyer Tsino, dumalo sa Ika-16 na SCO Prime Ministers' meeting

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Premyer Li na nitong 16 na taong nakalipas sapul nang maitatag ang SCO, buong tatag na iginigiit ng mga kasaping bansa nito ang pagtitiwalaan, pagkakapantay-pantay, pagsasanggunian, paggalang sa iba't-ibang sibilisasyon, at paghahanap ng “Shanghai Spirit” na may komong kaunlaran. Aniya, sa SCO Summit sa Astana noong nagdaang Hunyo, narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at iba pang kalahok ang mahalagang komong palagay tungkol sa pagpapatibay ng pagkakaisa at pagtitiwalaan, pagpapalakas ng kooperasyong panseguridad, pagpapalalim ng pagpapalitang pangkultura, at iba pa.

Upang mapatibay ang pagtitiwalaan, mapalalim ang pragmatikong kooperasyon, at magkakasamang maitatag ang komunidad ng kapalaran ng mga bansa sa rehiyon, iniharap ng premyer Tsino ang anim (6) na mungkahing kinabibilangan ng una, dapat likhain ang ligtas at matatag na kapaligirang panrehiyon; ikalawa, dapat pabilisin ang kooperasyon sa pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran; ikatlo, dapat pataasin ang lebel ng liberasyon at pagsasaginhawa ng kalakalan; ika-apat, dapat itatag ang maginhawa at mabilis na kayariang pangkomunikasyon; ikalima, dapat pasulungin ang kooperasyon sa kakayahan ng produksyon at inobasyon; ika-anim, dapat patibayin ang tulay ng pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura.

Premyer Tsino, dumalo sa Ika-16 na SCO Prime Ministers' meeting

Ipinahayag naman ng mga kalahok na ang pangangalaga sa katatagang panrehiyon at pagpapasulong ng kabuhayan ay angkop sa komong kapakanan ng iba't-ibang kasaping bansa ng SCO.

Ipinalabas nina Li at mga kalahok na lider ang magkakasanib na komunike.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino