2017 China-ASEAN Film Festival, pinasinayaan

2017-12-04 11:03:56

Putrajaya, kabiserang administratibo ng Malaysia - Pinasinayaan nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2, 2017, ang 2017 China-ASEAN Film Festival na dinaluhan ng ilang daang opisyal at film makers mula Tsina at sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Pitong pelikulang Tsino na gaya ng "Wolf Warriors II" ang lumahok sa kapistahang ito.

2017 China-ASEAN Film Festival, pinasinayaan

Bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN, sa mungkahi ng ASEAN-China Center (ACC), magkasamang itinaguyod ng China-ASEAN Association (CAA) at State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Tsina ang naturang kapistahan.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Lin Yi, Pangalawang Puno ng CAA, na layon ng unang China-ASEAN Film Festival na palakasin ang pagpapalagayang di-pampamahalaan ng Tsina at ASEAN sa pamamagitan ng pelikula, palalimin ang pag-uunawaan ng dalawang panig sa kultura ng isa't-isa.

2017 China-ASEAN Film Festival, pinasinayaan

Dalawampu't siyam (29) na pelikulang Tsino at ASEAN ang kalahok sa nasabing kapistahan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino