Pagtutulungang pangkalawakan ng Tsina at Algeria, pinapahigpit

2017-12-11 15:19:03 CRI

Xichang, Tsina-Inilunsad kaninang umaga, Disyembre 11, 2017 ang No.1 communication satellite o Alcomsat-1 ng Algeria.

Nang araw ring iyon, nagpadala ng mensahe sa isat-isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Abdelaziz Bouteflika ng Algeria, bilang pagbati sa usaping ito.

Bilang kauna-unahang proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Algeria sa larangang pangkalawakan, gagamitin ang nasabing satellite sa mga  serbisyong pangkalawakan ng Algeria, na gaya ng broadcasting at television, emergency telecommunication, distance education, at iba pa.

Isinabalikat ng Long March-3B o CZ-3B rocket carrier ng Tsina ang nasabing paglulunsad.

Sa kasalukuyan, nasa nakatakdang orbita ang satellite.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino