Tsina, inaasahang mapapanumbalik at mapapasulong ng pagdalaw ng pangulo ng Timog Korea ang malusog na bilateral na pagtutulungan ng dalawang bansa-Tagapagsalitang Tsino

2017-12-13 10:42:15 CRI

Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea na ang kaniyang gagawing biyahe sa Tsina ay naglalayong panumbalikin ang pagtitiwalaan ng dalawang bansa at palalimin ang mapagkaibigang damdamin ng mga mamamayan ng dalawang panig.

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 12, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang mapapanumbalik ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Timog Korea, batay sa pagbibigay-galang sa kani-kanilang nukleong interes at mga usaping kanilang ikinababahala. Ito aniya'y hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa at ginhawa ng kanilang mga mamamayan, kundi makakatulong din sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon. Aniya pa, napapanatili ni Pangulong Moon Jae-in at pamahalaan ng Timog Korea ang konstruktibong paninindigan sa isyu ng THAAD. Narating aniya ng Tsina at Timog Korea ang ilang pagkakasundo bilang tugon sa nasabing isyu. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang dalawang panig para maayos na lutasin ang isyung ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino