Pic story: Pamumuhay ng mga nabiktima ng Nanjing Massacre

2017-12-13 17:15:12 CRI

Ang mga larawan ay kinuha noong March 31, 2017 at ipinakikita nito ang pang-araw-araw ng pamumuhay ni Jiang Shuzhen, isang biktimang nakaligtas sa Nanjing Massacre. Larawan (Itaas gitna) si Jiang habang nagbabasa ng pahayagan sa kanyang balkonahe; Ipinakikita ni Jiang ang mensahe sa WeChat (Kaliwa itaas); Naglalaro si Jiang ng Majiang kasama ng kanyang pamilya (Kaliwa gitna); Habang nagluluto si Jiang ng gulay sa kaniyang bahay (Kaliwa ilalim); Habang nasa bahay si Jiang (Kanan itaas); Si Jiang kasama ng kanyang manugang habang naglalakad (Kanan gitna); Si Jiang at ang anak na si Huang Qinghua (una sa kaliwa), ang anak na lalaki na si Huang Qingguo (ikalawa sa kanan) at ang kanyang manugang na si Wen Zhenxiu habang nagpapakuha ng litrato sa kanilang tahanan (Kanan ilalim). Ipinanganak si Jiang noong Dec. 9, 1929. Bago sakupin ng mga Hapon ang lunsod ng Nanjing, nagpunta ng Chongqing, lunsod sa timogkanluran ng Tsina ang kanyang ama. Dinala si Jiang ng kanyang lola at nanay sa kanayunan. Nasaksihan ni Jiang ang pagpatay ng mga Hapones sa dalawang binatang Tsino. Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay. (Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang and Ji Chunpeng)

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino