Kabuhayang Tsino, patuloy na bumubuti

2017-12-14 16:06:59

Beijing - Ipinahayag Huwebes, Disyembre 14, 2017, ni Mao Shengyong, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na noong isang buwan, patuloy at matatag na bumuti ang kabuhayang Tsino. Aniya, matatag na lumaki ang pangangailangan ng produksyon, matatag sa kabuuan ang hanap-buhay at presyo ng mga paninda, walang humpay na bumuti ang estrukturang pangkabuhayan, at patuloy na tumaas ang kalidad at epsiyensiya.

Ani Mao, nitong ilang taong nakalipas, bumagal sa ilang digri ang bilis ng paglaki ng fixed assets investment. Subalit, mula noong Enero hanggang Nobyembre, 2017, lumaki ng 7.2% ang bahagdan ng paglaki ng fixed assets investment ng buong bansa. Ang bahagdan ng paglaking ito ay bumaba ng 0.1% mula noong Enero hanggang Oktubre.

Dagdag pa niya, kasunod ng pagbabago ng kayarian ng puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan, ang angkop na pagbagal ng paglaki ng pamumuhunan ay hindi makakahadlang sa paglaki ng kabuhayan ng bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino