Xi Jinping, naglakbay-suri sa 71st Group Army

2017-12-14 17:49:24

Sa kanyang paglalakbay-suri nitong Miyerkules, Disyembre 13, 2017, sa Ika-71 Group Army, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Pangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na dapat mataimtim na pag-aralan at isagawa ng buong hukbo ang diwa ng Ika-19 Pambansang Kongreso ng CPC, malalimang pag-aralan at isakatuparan ang ideya ng partido sa pagpapalakas ng hukbo sa bagong siglo, at dapat ding tupdin ang patakaran ng estratehiyang militar sa bagong kalagayan.

Dagdag pa niya, dapat palakasin ng buong hukbo ang konstruksyon ng Group Army, buong tatag na isulong ang transisyon upang komprehensibong mapataas ang kakayahan nito at tupdin nang mainam ang misyong ibinigay ng partido at mga mamamayan sa bagong siglo.

Kabilang sa nasabing paglalakbay-suri si Xu Qiliang, Pangalawang Pangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, at ang mga iba pang lider ng bansa.

Salin: Li Feng


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino