Tsina, positibo sa komprehensibo at makatarungang paglutas sa isyu ng Herusalem-Tagapagsalitang Tsino

2017-12-15 10:37:04 CRI

Istanbul, Turkey-Idinaos Disyembre 13, 2017 ang extraordinary summit ng Organization of Islamic Cooperation (OIC). Sa isang pahayag na pinagtibay sa pulong, nanawagan ang mga kalahok na kilalanin ng komunidad ng daigdig ang East Jerlusalem bilang kabisera ng Palestina.

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 14 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nauunawaan ng Tsina ang pagkabahala ng mga bansang Islamiko sa isyung may-kinalaman sa kalagayan ng Herusalem. Kinakatigan aniya ng Tsina ang paglutas sa nasabing isyu, alinsunod sa mga may-kinalamang resolusyon ng UN at komong palagay ng komunidad ng daigdig. Suportado rin aniya ng Tsina ang pagtatatag ng soberanong bansang Palestino, na East Jerusalem ang itatakda bilang kabisera, batay sa hanggahang tiniyak noong 1967.

Samantala, umaasa aniya ang Tsina na mapapanumbalik ang talastasan ng Palestina at Israel sa lalong madaling panahon, para pasulungin ang komprehensibo, makatarungan, at pangmatagalang paglutas sa isyu ng Palestina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino