Mga kagamitang naideploy ng Tsina sa South China Sea, para lamang sa pagtatanggol

2017-12-16 17:09:44 CRI

Inilabas kamakailan ng isang think tank ng Amerika ang isang satellite picture ng South China Sea, at sinabi nitong patuloy na idinedeploy ng Tsina sa mga isla ng karagatang ito ang high-frequency radar at ibang kagamitang magagamit para sa layuning militar.

Kaugnay nito, sinabi kahapon, Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na normal ang pagsasagawa ng kanyang bansa ng konstruksyong pangkapayapaan sa sariling teritoryo, at ang naturang mga kagamitan ay para sa pagtatanggol.

Dagdag ni Lu, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nagiging mahinahon at mabuti ang kalagayan sa South China Sea. Umaasa rin aniya ang Tsina, na hindi lilikha ang ibang bansa ng kaguluhan sa rehiyong ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino