Official emblem ng Beijing 2022 Olympic and Paralympic Winter Games, inilabas

2017-12-16 17:07:59 CRI

Inilabas kahapon, Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2017, ang mga Official emblem ng Beijing 2022 Olympic and Paralympic Winter Games.

Kabilang dito, ang emblem ng Olimpiyada ay tinatawag na "Winter Dream." Ang hugis nito ay malapit sa Chinese character na "dong," na nangangahulugan ng "taglamig." Binubuo ito ng mga elemento ng dalawang manlalaro ng winter sports, snow mountains, at iba pa.

Ang emblema naman ng Paralimpiyada ay tinatawag na "Flight." Ang disenyo nito ay batay sa Chinese character na "fei," na nangangahulugan ng "lumipad." Nakikita sa emblem ang elemento ng isang manlalarong nagpupunyagi para sa tagumpay.

Sa seremonya ng pagpapalabas ng mga emblem, sinabi ni Cai Qi, Kalihim ng Communist Party of China Beijing Municipal Committee at Presidente ng Beijing 2022 Organizing Committee, na ang mga emblem na ito ay nagpapakita ng diwa ng Olimpiyada, at pananabik ng mga mamamayang Tsino sa Beijing 2022 Winter Games.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino