Relasyong Sino-Britaniko, isusulong

2017-12-17 15:19:43

Relasyong Sino-Britaniko, isusulong

Beijing - Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Disyembre 15, 2017, kay Philip Hammond, Ministrong Pinansyal ng Britanya, na kalahok sa Ika-9 na Diyalogong Ekonomiko at Pinansyal ng Tsina at Britanya, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa antas na embasadoryal, at walang humpay na natamo ng relasyon ng Tsina at Britanya ang bagong progreso sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa, at pagkakapantay-pantay. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Britaniko upang mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at mapalakas ang kooperasyon sa mga larangang tulad ng kalakalan at pamumuhunan.  

Relasyong Sino-Britaniko, isusulong

Ipinahayag naman ni Hammond na kasalukuyang kinakaharap ng relasyong Britaniko-Sino ang bagong pagkakataon ng kooperasyon. Nakahanda aniya ang panig Britaniko na alinsunod sa mga mahalagang narating na komong palagay, magsikap kasama ng panig Tsino upang mapasulong pa ang kooperasyong Britaniko-Sino sa mga larangang kinabibilangan ng kalakalan, pamumuhunan, pinansiya, enerhiyang nuklear, at iba pa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino