Presidente ng East Timor, hinangaan ang ibinibigay na serbisyong medikal ng Tsina

2017-12-18 11:02:23

Sa pagbisita kasama ng kanyang asawa, sa Peace Ark hospital ship ng Chinese Navy, lubos na hinangaan nitong Linggo, Disyembre 17, 2017, ni Pangulong Francisco 'Lu'Olo' Guterres ng East Timor ang ibinibigay na libreng serbisyong medikal ng nasabing bapor ng Tsina sa mga mamamayan ng East Timor. Ipinahayag niya na ang unang biyahe ng Peace Ark sa East Timor ay nakakapagpasulong sa mapagkaibigang pagpapalagayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at ito rin ay mahalagang pagpapakita ng pagpapalalim ng kanilang kooperasyon.

Dagdag pa niya, ang pagpunta ng Peace Ark sa iba't-ibang sulok ng daigdig para magsagawa ng makataong serbisyong medikal ay nagpapakita ng mga gawain ng Tsina bilang isang responsableng malaking bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino