Pragmatikong kooperasyong Sino-Indones sa dagat, isusulong

2017-12-18 15:01:34

Jakarta, Indonesia - Idinaos mula Disyembre 14 hanggang 15, 2017, ang Ika-10 Pulong ng Komisyong Panteknolohiya ng Kooperasyong Pandagat ng Tsina at Indonesia. Layon nitong isakatuparan ang pagkakasundong narating ng mga lider ng dalawang bansa sa Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation, at ibayo pang pasulungin ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa dagat.

Ipinalalagay ng mga kalahok na bilang marine power sa rehiyong ito, may mahalagang katuturan ang pagpapalakas ng Tsina at Indonesia ng kanilang pragmatikong kooperasyon sa dagat. Sinang-ayunan sa pulong ng mga kalahok na sa pundasyon ng pagpapanatili ng diyalogo at kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng seguridad sa dagat, seguridad sa paglalayag, siyentipikong pag-aaral sa dagat, at pangangalaga sa kapaligiran, ibayo pang mapapalakas ang kanilang kooperasyon sa mga larangang tulad ng kabuhayang pandagat, paggagalugad sa yamang-dagat, at konstruksyon ng imprastruktura sa dagat. Ito anila ay para walang humpay na payamanin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino