Foreign Ministers' Dialogue ng Tsina, Afghanistan at Pakistan, idaraos

2017-12-22 12:15:51 CRI

Beijing-Nakatakdang idaos Disyembre 26, 2017 ang kauna-unahang round ng Foreign Ministers' dialogue ng Tsina, Afghanistan, at Pakistan. Sa paanyaya ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, dadalo rito sina Ministrong Panlabas Salahuddin Rabbani ng Afghanistan at Ministrong Panlabas Khawaja Asif ng Pakistan.

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 21 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang matalik na kaibigan ng Afghanistan at Pakistan, positibo ang Tsina sa mapagkaibigang pakikipamuhayan at magkasamang pag-unlad ng dalawang bansa. Nagsisikap aniya ang Tsina para maitatag ang platapormang pandiyalogo at pangkooperasyon ng tatlong panig. Dagdag pa niya, tatalakayin ng nasabing pagtitipon ang hinggil sa tema ng pulitikal na pagtitiwalaan at pag-uunawaan, pagpapasulong ng kooperasyon at konektibidad, at pagtutulungang panseguridad at paglaban sa terorismo.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino