Tsina, inulit ang pagkatig sa pagtatatag ng Estado ng Palestina

2017-12-23 17:38:43 CRI

Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-22 ng Disyembre 2017, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang pagkatig ng kanyang bansa sa pagtatatag ng Estado ng Palestina, na may hanggahang naitakda noong 1967, East Jerusalem bilang kabisera, at lubos na soberanya at kasarilan.

Winika ito ni Wang sa kanyang pakikipagtagpo nang araw ring iyon sa Beijing, kina Ahmed Majdalani and Nabil Shaath, dalawang kinatawan ng Pangulong Palestino.

Sinabi ni Wang, na sa higit na nakararaming pagsang-ayon, pinagtibay kamakailan ng United Nations General Assembly ang resolusyong, nagsasabing walang legal effect ang anumang desisyon at aksyon, para baguhin ang katangian, katayuan, o demographic composition ng Jerusalem. Ito aniya ay nagpapakita ng posisyon ng komunidad ng daigdig hinggil sa paggigiit sa mga may kinalamang resolusyon ng UN, at pagpapasulong ng prosesong pangkapayapaan sa Gitnang Silangan.

Dagdag niya, ang isyu ng Palestina ay pinanggagalingan ng mga isyu sa Gitnang Silangan, at ang paglutas sa isyung ito ay paunang kondisyon sa pagsasakatuparan ng kapayapaan sa Gitnang Silangan.

Iniharap din ni Wang sa panig Palestino ang mga mungkahi sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, na pasulungin ang pambansang rekonsilyasyon, igiit ang talastasan, patingkarin ang papel ng UN, at sumahin ang pagkatig ng komunidad ng daigdig sa kapayapaan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino