Cruise route papuntang Biyetnam at Pilipinas, isinaoperasyon ng Tsina

2017-12-25 10:44:07

Pinasinayaan, Disyembre 24, 2017, sa Xiuying Port, lunsod Haikou ng Tsina, ang pagsisimula ng cruise route mula Haikou papuntang Biyetnam. Ngayong hapon, Disyembre 25, lulan ng mahigit 700 turista, pupunta ang cruise ship sa Ha Long Bay, Biyetnam upang pasimulan ang kanyang unang paglalayag. Sa Enero 21, 2018, isasagawa naman ang unang paglalayag ng cruise tour mula Haikou papuntang Pilipinas.

Ayon kay Zhou Anwei, Pangkalahatang Tagapagdisenyo ng Komisyon ng Turismo ng Hainan, Tsina, lubos na pinahahalagahan ng probinsyang Hainan ang pag-unlad ng cruise ship industry. Sa hinaharap, isasaoperasyon ng probinsyang ito ang ilang cruise route na kinabibilangan ng Shanghai, Xiamen, Hong Kong, Singapore, at iba pa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino