Transportasyon ng Tsina sa kanayunan, mabilisang pinapasulong

2017-12-26 11:55:49 CRI

Ipinahayag Disyembre 25, 2017 ni Li Xiaopeng, Ministro ng Transportasyon ng Tsina, na sa susunod na 3 taon, patuloy na mapapasulong ng Tsina ang konstruksyon ng transportasyon sa mga purok kung saan di maunlad ang kabuhayan. Aniya, nakatakdang isakatuparan ang pagbubukas ng pambansang lansangan sa mga kanayunan at bayan sa taong 2019, at pagbubukas ng mga express way sa 2020.

Ipinahayag ni Li na sa harap ng mga kahirapang dulot ng mahinang imprastruktura at kapaligirang ekolohikal sa mga di-maunlad na purok, madalas na pagkaganap ng natural na kalamidad, at iba pa, magsisikap ang pamahalaan para mapasulong at kumpletuhin ang usaping ito, batay sa pagsasagawa ng mabibisang hakbangin sa larangan ng patakaran, gawain ng preparasyon, disenyo ng proyekto, at iba pa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino