Tsina: Diyalogo at kooperasyon ng Tsina, Afganistan, at Pakistan, hindi dapat maapektuhan ng ibang mga puwersa

2017-12-28 11:15:33 CRI

Noong ika-27 ng Disyembre, 2017, ipinahayag dito sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na narating ang maraming komong palagay ng China-Afghanistan-Pakistan Foreign Ministers' Dialogue. Ang diyalogo at kooperasyon ng tatlong panig ay hindi nakatuon sa ibang mga bansa, at umaasang makakabuti sa buong rehiyon. Hindi dapat rin itong maapektuhan ng ibang mga puwersa.

Idinaos noong ika-26 ng Disyembre ang Unang China-Afghanistan-Pakistan Foreign Ministers' Dialogue sa Beijing. Ibinabalita ng ilang dayuhang media ang pangyayaring ito at nagsasabing ang extension ng China–Pakistan Economic Corridor (CPEC) sa Afghanistan ay ikinababahala ng India (puts India on edge). Bilang tugon, sinabi ni Hua na, tulad ng pagsasalita ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang CPEC ay hindi nakatuon sa ibang mga panig. Ang Afghanistan ay mahalagang kapitbansa ng Tsina at Pakistan, at ang bansang ito ay may malaking hangarin sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, nakahanda rin ito na lumahok sa konektibidad ng rehiyon. Buong pagkakaisang ipinalalagay ng tatlong panig na mapahigpit ang konektibidad sa ilalim ng framework ng "Belt and Road" Initiative para maisakatuparan ang komong pag-unlad at mapasulong ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino