Tsina, inilabas ang mga target ng pagpapasigla ng kanayunan

2017-12-30 15:51:00 CRI

Tsina, inilabas ang mga target ng pagpapasigla ng kanayunan

Ipininid kahapon, Biyernes, ika-29 ng Disyembre, 2017, sa Beijing, ang dalawang-araw na Sentral na Pulong hinggil sa mga Gawaing Pangkanayunan ng Tsina.

Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, natamo ng bansa ang malaking bunga sa mga aspekto ng pagpapaunlad ng agrikultura at kanayunan, supply-side structural reform sa sektor na agrikultural, pagbabawas ng kahirapan sa kanayunan, pagpapaliit ng agwat sa kaunlaran sa pagitan ng kanayunan at kalunsuran, at iba pa.

Binigyang-diin ni Xi, na sa bagong taong 2018 at susunod na ilang panahon, dapat pasulungin ang estratehiya ng pagpapasigla ng kanayunan. Iniharap niya ang ilang target, na sa taong 2020, bubuuin ang balangkas at sistema ng mga patakaran hinggil sa pagpapasigla ng kanayunan; sa taong 2035, isasakatuparan ang modernisasyon ng agrikultura at kanayunan; at sa taong 2050, isasakatuparan ang komprehensibong kasiglahan ng kanayunan, na may malakas na agrikultura, magandang kanayunan, at mga mayamang magsasaka.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino