Xi, hinikayat ang mga estudyanteng Tsino na magsikap para sa pangarap

2017-12-31 15:59:46 CRI

Hinikayat kahapon, Sabado, Disyembre 30, 2017 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga estudyanteng Tsino sa Lomonosov Moscow State University na mag-ambag sa inang-bayan at magsikap para isakatuparan ang sariling mga pangarap.

Ito ay ipinahayag ni Xi sa kanyang sagot sa liham mula sa nasabing mga estudyante.

Sinabi ni Xi na tuwang-tuwa siyang nabasa sa liham ang pagmamalaki ng mga estudyante para sa isang lumalakas na inang-bayan at ang kanilang aspirasyon para maglingkod para sa bansa at mga mamamayan.

Idinagdag pa niyang ang pagsasakatuparan ng Chinese dream ay nangangailangan ng pagpupunyagi ng hene-henerasyong kabataan.

Sa kanilang liham, ipinahayag ng mga estudyante ang kanilang pagkakaunawa sa diwa ng katatapos na Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Communist Party of China (CPC), kung saan itinakda ang plano ng pambansang kaunlaran ng Tsina sa susunod na 30 taon. Ipinakita rin nila ang kahandaan na magsikap para sa kasaganaan ng bansa. Si Xi ay nagsisilbi ring Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino