Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si Cen Honggui

2017-12-31 15:36:06 CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa kombinasyon ng mga litrato ang pang-araw-araw na buhay ni Cen Honggui, isa sa mga nakaligtas mula sa Masaker ng Nanjing.

Ipinanganak si Cen noong Nobyembre 6, 1924. Binaril ng mga mananalakay na Hapones ang kanyang kapatid na babae at sinunog ng buhay ang kanyang kapatid na lalaki, matapos nilang sakupin ang Nanjing noong 1937. Nakita rin niya kung paano walang-habas na pagbabarilin ng mga sundalong Hapones ang mga sibilyang Tsino. Mayroon siyang tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae, at namumuhay ngayon kasama ang kanyang asawa.

Sa mga larawang kuha noong Oktubre 11, 2017, makikita si Cen na nagkukuwento kung paano binaril ng mga mananalakay na Hapones ang kanyang kapatid na babae (gitna at itaas na larawan)

Si Cen habang nasa kanyang silid-tulugan (gitna at ibabang larawan)

Si Cen habang ipinakikita ang kanyang katunayan bilang nakaligtas sa Masaker ng Nanjing (kaliwa at itaas na larawan)

Si Cen at kanyang asawang si Xie Wenying habang nagpapakuha ng litrato sa kanilang tahanan (kaliwa at gitnang larawan)

Si Cen habang pinanonood ang kanyang mga kapit-bahay na naglalaro ng Chinese chess (kanan at itaas na larawan)

Si Cen habang naglalakad sa ulan (kanan at itaas na larawan)

Si Cen habang ipinakikita ang peklat na naiwan nang kanyang iligtas ang kanyang kapatid na lalaki na nasusunog noong panahon ng digmaan (kanan at gitnang larawan)

Si Cen na nakatanaw sa bintana ng kanyang bahay (kanan at ibabang larawan)

Salin: Rhio
Edit: Jade
Photo credit: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino