Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si Pan Qiaoying

2017-12-31 15:37:01 CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa kombinasyon ng mga litrato ang pang-araw-araw na buhay ni Pan Qiaoying, isa sa mga nakaligtas mula sa Masaker ng Nanjing. Ipinanganak si Pan noong Nobyembre 19, 1931. Sunud-sunod niyang nasaksihan ang pagpatay ng mga mananalakay na Hapon sa kanyang lolo, isang babaeng may bagong-silang na sanggol, at sa isang matandang babae na nagtatago sa kusina. Natagpuan niya ang kanyang ama na wala nang buhay sa tabi ng kalsada, at saksi rin siya sa pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid na babae habang tumatakas. Mayroon siyang tatlong anak at kasalukuyan tumitigil sa kanyang anak na lalaki.

Sa mga larawang kuha noong Agosto 31, 2017, makikita si Pan na gumagawa ng walis (gitna at itaas na larawan);

Si Pan habang nagpapakuha ng litrato kasama ang kanyang anak na babaeng si Xi Chunlan sa kanilang tahanan (gitna at ilalim na larawan);

Si Pan habang nasa silid-tulugan (kaliwa at itaas nalarawan);

Si Pan habang nagluluto para sa kanyang pamilya (kaliwa at gitnang larawan);

Naglalakad si Pan habang pasan ang isang asarol sa kanyang balikat (kanan at itaas na larawan);

Si Pan habang nagtatrabaho sa bukirin (kanan at gitnang larawan)

Sa larawan namang kuha noong Nobyembre 19, 2017, makikita ang mga pangalan ng kanyang ama at kapatid na babaeng naka-ukit sa pader bilang pag-alala sa mga biktima ng Masaker ng Nanjing sa Memoryal na Bulwagan ng mga Biktima ng nasabing masaker. Samantala, makikita naman sa larawang kuha noong Disyembre 1, 2017, si Pan habang naglalakad sa barangay (kaliwa at ilalim na larawan).

Salin: Rhio
Edit: Jade
Photo credit: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino