Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si Xie Guiying

2017-12-31 15:33:29 CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa kombinasyon ng mga litrato ang pang-araw-araw na buhay ni Xie Guiying, isa sa mga nakaligtas mula sa Masaker ng Nanjing. Ipinanganak si Xie noong Setyembre 26, 1924. Ang kanyang ama, tiyo at nakababatang kapatid na lalaki ay pinatay ng mga mananalakay na Hapones. Siya ay ginahasa sa edad na 13 taong gulang. Namatay ang kanyang asawa noong 1947 at siya ngayon ay tumutuloy sa isang nursing home.

Sa mga larawang kuha noong Marso 17, 2017, makikita makikita si Xie na umiiyak habang naaalala ang masaklap na sinapit sa kamay ng mga Hapones (gitna at taas na larawan)

Si Xie habang naglalakad sa isang nursing home (gitna at ibabang larawan)

Si Xie habang nakaupo sa kanyang higaan sa isang nursing home (kaliwa at itaas na larawan)

Si Xie habang inaalagaan ng kanyang pamangkin sa isang nursing home (kaliwa at gitnang larawan)

Si Xie habang nagrerelaks sa isang nursing home (kaliwa at ilalim na larawan)

Si Xie habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan sa isang nursing home (kanan at gitnang larawan)

Ipinakikita ni Xie ang katunayan na siya ay nakaligtas sa Masaker ng Nanjing (kanan ilalim na larawan).

Salin: Rhio
Edit: Jade
Photo credit: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino