Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si Xue Yujuan

2017-12-31 15:34:11 CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa kombinasyon ng mga litrato ang pang-araw-araw na buhay ni Xue Yujuan, isa sa mga nakaligtas mula sa Masaker ng Nanjing. Ipinanganak si Xue noong Enero 11, 1924. Habang tumatakas mula sa mga Hapones para hindi magahasa, nasaksak siya ng bayoneta sa dibdib.

Sa mga larawang kuha noong Setyembre 28, 2017, makikita si Xue habang ipinakikita ang mga peklat na naiwan ng pagmamalupit ng mga mananalakay na Hapones; si Xue habang nasa bahay (gitna at itaas na larawan)

Si Xue habang naglalakad kasama ang kanyang anak na lalaki (gitna at gawing kaliwang larawan)

Si Xue habang ipinakikita ang katunayan na siya ay isa sa mga nakaligtas sa Masaker ng Nanjing (gitna at gawing ilalim na larawan)

Si Xue habang ipinakikita ang alagang pagong (kanang larawan).

Salin: Rhio
Edit: Jade
Photo credit: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino