Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si Gu Xiulan

2017-12-31 15:31:38 CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa kombinasyon ng mga litrato ang pang-araw-araw na buhay ni Gu Xiulan, isa sa mga nakaligtas mula sa Masaker ng Nanjing. Ipinanganak si Gu noong Nobyembre 10, 1924. Ipinadala si Gu ng kanyang ama sa sonang pangkaligtasan ng Nanjing bago sinakop ng mga Hapon ang lunsod. Nagtago siya roon hanggang Pebrero 1938.

Sa mga larawang kuha noong Setyembre 21, 2017, makikita ang larawan ni Gu na kuha noong 1940s (kaliwa)

Si Gu habang nakaratay sa higaan dahil sa sakit (gitna at itaas na larawan)

Sina Gu at Xing Shuyi habang nagtatago sa sonang pangkaligtasan noong panahon ng digmaan (kanan at itaas)

Si Gu at kanyang anak na lalaki habang nasa bahay (kanan at gitnang larawan)

Si Gu habang nasa bahay (ikalawa sa kanan at ilalim na larawan)

Ang anak na lalaki ni Gu na si Long Jinyuan at manugang na si Liu Yuegui habang inaalagaan si Gu (ikatlo sa kanan at ilalim na larawan).

Salin: Rhio
Edit: Jade
Photo credit: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino