Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si She Ziqing

2017-12-31 15:22:10 CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa kombinasyon ng mga litrato ang pang-araw-araw na buhay at libing ni She Ziqing, isa sa mga nakaligtas mula sa Masaker ng Nanjing.

Si She na sumakabilang buhay na ay ipinanganak noong Abril 12, 1934. Ang kanyang ina ay pinatay ng mga mananalakay na Hapones. Nakaligtas siya dahil sa pagtakas at pagpunta sa Embahada ng Estados Unidos. Nagboluntaryo siya bilang komentarista sa Memoryal na Bulwagan ng mgta biktima ng Masaker ng Nanjing simula noong Marso ng taong 2004.

Sa mga larawang kuha noong Disyembre 8, 2014, makikita si She habang nakikipag-usap sa kanyang mga kapit-bahay (kanan at itaas na larawan)

Si She habang ipinakikita ang kanyang larawan habang nagtatrabaho sa bilang komentarista sa Memoryal na Bulwagan ng mgta biktima ng Masaker ng Nanjing (kanan at gitnang larawan)

Si She habang ikinukuwento ang pagpalo ng mga Hapones sa kanyang ulo sa pamamagitan ng puwitan ng baril (kaliwa at ialim na larawan)

Sa litratong kuha noong Disyembre 4, 2014, makikita si She habang nagbabasa ng orasyong panlibing sa Memoryal na Bulwagan ng mgta biktima ng Masaker ng Nanjing (gitna at ilalim na larawan)

Sa mga litrato namang kuha noong Nobyembre 17, 2017, makikita ang libing ni She (kaliwa at itaas, at kanan at ilalim na larawan)

Salin: Rhio
Edit: Jade
Photo credit: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino