Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si Yi Lanying

2017-12-31 15:20:54 CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa kombinasyon ng mga litrato ang pang-araw-araw na buhay ni Yi Lanying, isa sa mga nakaligtas mula sa Masaker ng Nanjing.

Ipinanganak si Yi noong Mayo 4, 1926. Nang dumating ang mga mananalakay na Hapones sa lunsod ng Nanjing, lumipat si Yi at kanyang kapatid na babae sa Sona ng Kaligtasang Internasyonal. Doon, nakapagtago at nakatakas sila mula sa panggagahasa ng mga mananalakay na Hapones. Testigo siya sa pagpatay ng mga Hapon sa isang batang lalaking Tsino at pagbihag sa walumpung iba pang kabataan.

Sa mga larawang kuha noong Agosto 22, 2017, ipinakikita ni Yi ang kanyang mga ngipin, kung saan, isa sa mga ito ay natanggal dahil sa patamang ginawa ng mga mananalakay na Hapones (kanan, at gitnang larawan)

Si Yi ay makikitang nagpapahangin sa pamamagitan ng bentilador sa kanyang bahay (gitna at taas na larawan)

Hinahanap ni Yi ang swits ng ilaw sa kanyang tahanan (kaliwa at itaas na larawan)

Si Yi habang nagpapakuha ng litrato sa harapan ng kanyang lumang bahay (kaliwa at gitnang larawan)

si Yi habang nakatayo sa tapat ng kanyang tahanan (kanan at itaas na larawan)

Si Yi habang nagluluto sa kanyang kusina (kanan at ilalim na larawan)

Sa litrato namang kuha noong Disyembre 1, 2017, makikita si Yi habang nasa bahay ng kanyang anak na lalaki (kaliwa at ibabang larawan).

Salin: Rhio
Edit: Jade
Photo credit: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino