Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si Yao Xiuying

2017-12-31 15:30:13 CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa mga larawan ang araw-araw na pamumuhay ni Yao Xiuying, nakaligtas sa Nanjing Massacre.

Ipinanganak si Yao noong Aug. 8, 1931. Matapos lusubin ng mga Hapon ang lunsod ng Nanjing noong 1937, nagtago ang kanyang pamilya sa isang hukay at umasang makaliligtas. Ngunit apat sa walong kapamilya niya ang namatay matapos pagbabarilin ng Hapon ang hukay na pinagtataguan nila. Ang kanyang lolo ay namatay kinabukasan matapos saksakin ng bayoneta. Magkasama sa bahay sina Yao at ang kanyang anak na babae matapos mamatay ang kanyang asawa noong 2008. Kailangan niyang magpa-dialysis tatlong beses kada linggo dahil sa kanyang renal failure.

Noong Aug. 10, 2017 kinunan ng larawan si Yao na nakikipaglaro sa kanyang apo sa tuhod kanilang tahanan (gitna itaas)

Si Yao kasama ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan (gitna ilalim)

Yao habang nasa bahay (kaliwa itaas at gitna)

Ipinakikita ni Yao ang kanyang sertipiko bilang Nanjing Massacre survivor (kaliwa ilalim) Nananalamin si Yao bago lumabas ng bahay (kanan itaas)

Sa larawang kuha noong Aug. 11, 2017 makikita si Yao habang nagpapa-dialysis sa isang ospital sa Nanjing (kanan gitna at ilalim)

Salin: Mac
Edit: Jade
Photo credit: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino