Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si Chang Zhiqiang

2017-12-31 16:17:50 CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa mga larawan ang araw-araw na pamumuhay ni Chang Zhiqiang, nakaligtas sa Nanjing Massacre. Ipinanganak si Chang Feb. 4, 1928. Binaril ang ama at tatlong nakababatang kapatid ni Chang. Habang ang kanyang ina ay sinaksak hanggang mamatay. Siya ang tanging nakaligtas sa kanyang pamilya.

Sa larawang kinuha noong April 2, 2017 si Chang ay makikitang inaalala ang kanyang mga kapamilyang pinaslang ng mananakop na Hapon (kaliwa itaas)

Sa larawang kuha noong Nov. 26, 2014 makikita si Chang na nagbabasa ng pahayagan sa kanyang tahanan (kanan itaas)

Si Chang itinuturo ang lugar kung saan pinatay ng mga Hapon ang kanyang pamilya (kanan gitna).

Ang larawang kinuha noong Dec. 1, 2017 ay nagpapakita kay Chang habang ikinukuwento kung paano siya nakaligtas ng buhay sa kanyang anak na si Chang Xiaomei (kaliwa ilalim)

Makikita sa larawan kinuha noong Dec. 7, 2014 ang mga pangalan ng mga kaanak ni Chang na nakaukit sa Memorial Hall of the Victims in Nanjing Massacre by Japanese Invaders in Nanjing (Pinalitan ni Chang ang kanyang apelyido mula Dai) (gitna ilalim)

Si Chang kasama ang kanyang pamilya sa Memorial Hall of the Victims in Nanjing Massacre by Japanese Invaders in Nanjing (kanan ilalim)

Salin: Mac
Edit: Jade
Photo credit: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino