Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si Wang Zihua

2017-12-31 16:19:50 CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa mga larawan na kuha noong Sept. 21, 2017 ang araw-araw na pamumuhay ni Wang Zihua, nakaligtas sa Nanjing Massacre.

Dec. 25, 1932 ang araw ng kapanganakan ni Wang. Dec. 14, 1937, lumikas ang pamilya Wang at pansamantalang namalagi sa isang kubo. Kinabukasan sinunog ng mga Hapon ang kubo at nasugtan sina Wang at kanyang ina dahil sa pamamaril ng mga sundalo. Umabot ng tatlong buwan bago sila nakabalik sa kanilang bahay mula sa refugee zone ngunit lahat ng mga bahay ay nasunog. Ikinasal si Wang noong 1959 at biniyayaan ng apat na anak. Ngayon kasama niya ang kaniyang anak na lalaki.

Si Wang habang nagmumuni-muni (kanan itaas)

Si Wang ipinakikita ang brasong sinugatan ng sundalong Hapon (kaliwa itaas)

Si Wang ipinakikita ang larawan ng ina na biktima ng walang-awang pagpaslang ng mga Hapon (kaliwa gitna)

Si Wang habang inaasikaso ang mga halaman sa kanyang tahanan (kaliwa ilalim)

Si Wang nasa kanyang bahay (gitna ilalim)

Si Wang at ang kanyang asawang si Zhou Jiru sa balkonahe ng kanilang tahanan (kanan ilalim). (Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang and Ji Chunpeng)

Salin: Mac
Edit: Jade
Photo credit: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino