Mga lider ng Tsina at Rusya, nagpahayag ng bating pambagong taon sa isa't isa

2017-12-31 18:58:35 CRI

Nagpadala ng mensaheng pambagong-taon sa isa't isa, ngayong araw, Linggo, ika-31 ng Disyembre 2017, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

Sa mga mensahe, nagpahayag ang dalawang pangulo ng bating pambagong taon sa isa't isa at mga mamamayan ng dalawang bansa.

Binigyan nila ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso sa taong 2017, at ipinahayag din ang pag-asang ibayo pang susulong ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa bagong taon.

Nang araw ring iyon, nagpadala naman ng mensaheng pambagong taon sa isa't isa sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Punong Ministro Dmitry Medvejev ng Rusya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino