Presidente ng CRI, nagpadala ng mensaheng pambagong-taon sa mga dayuhang tagasubaybay

2018-01-01 15:48:39

Presidente ng CRI, nagpadala ng mensaheng pambagong-taon sa mga dayuhang tagasubaybay

Sa okasyon ng pagdating ng taong 2018, sa ngalan ng lahat ng kasamahan sa China Radio International (CRI), at sa pamamagitan ng radyo at website, ipinadala ni Presidente Wang Gengnian ng CRI ang matapat na pangungumusta at taos-pusong pagbati sa lahat ng mga tagapakinig sa iba't-ibang sulok ng daigdig. Sinabi ni Wang na dahil sa pagsubaybay at pagkatig ng mga tagapakinig, matatag at mabilis na sumusulong ang CRI. Aniya, sa bagong taon, itatatag ng CRI ang mas marami at mainam na plataporma para ipagkaloob ang mas mabuti at maagang serbisyo ng impormasyon sa mga tagapakinig at netizens.

"Mga giliw na tagapakinig, manonood, at netizens:

Papalapit na ang taong 2018, sa ngalan ng China Radio International (CRI) at China International Broadcasting Network (CIBN), ipinapaabot ko sa lahat ng tagapakinig sa buong daigdig ang taos pusong pagbati. Manigong Bagong Taon! Sana'y maging maligaya at malusog ang pamumuhay po ninyo!

Ang nakaraang taon ay may malaking katuturan para sa Tsina. Matagumpay na idinaos ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kung saan ginawa ang blueprint para sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap, at nakapagbigay ng dunong at plano ng Tsina para sa pagsasaayos ng buong daigdig. Tulad ng sinabi ni netizen Franka Gulin: “ang Ika-19 na CPC National Congress ay hindi lamang malaking pangyayari sa Tsina, nagpokus din ito ang buong mundo.”

Noong isang taon, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Davos World Economic Forum (WEF) sa Switzerland ang “Community of Common Destiny for All Mankind.” Idinaos naman sa Beijing noong nagdaang Mayo ang “Belt and Road” Forum (BRF) for International Cooperation, ginanap sa Xiamen noong nagdaang Setyembre ang Pagtatagpo ng mga Lider ng mga Bansa ng Brazil, Russia, India, China, at South Africa (BRICS), at ginanap sa Beijing ang Mataas na Pulong Pandiyalogo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga Partidong Pulitikal ng Daigdig. Ang mga ito ay nagpakita ng kompiyansa at responsibilidad ng Tsina sa kurso ng paghahanap nito ng kapayapaan, kaunlaran, mutuwal na kapakinabangan, at pagbubukas.

Sa kasalukuyang siglo, malalimang nagbabago ang kayarian at puwersang pandaigdig, at mabilisang itinatatag ang bagong pandaigdigang kaayusang pampulitika at pangkabuhayan. Ang kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon, at win-win situation ay nagiging di-mahahadlangang tunguhin ng siglo. Nananalig kaming ang pagkokoordinahan at pagpapalitan ay tulay para sa pagpapahigpit ng pag-uunawaan, at pagpapalalim ng pagkakaibigan. Noong isang taon, bilang pangunahing gawaing kinabibilangan ng native language communication, local communication, convergence communication, at cooperation communication, buong sikap na sumusulong ang CRI upang maging isang moderno, komprehensibo, at bagong mediang internasyonal.

Mga kaibigan, kung walang araw, ulan, at lupa, di-maaaring lumaki ang anumang binhi. Dahil sa inyong pagsubaybay at pagsuporta, nagiging mas matatag at malakas ang pagsulong ng CRI. Noong isang taon, umabot sa 95 milyon ang bilang ng mga feedback mula sa mga tagapakinig, lumampas sa 62 milyon ang bilang ng mga multi-language social media fans sa ibayong dagat, at lumampas din sa 26 milyon ang bilang ng mga gumagamit sa mobile client. Ang mga ito ay nakalikha muli ng bagong rekord. Lubos naming batid na ang bawat likes, komento, at liham mula sa mga tagapakinig ay nagpapakita ng inyong pag-asa at pagkatig sa amin. Sa ngalan ng lahat ng kasamahan ko sa CRI, ipinaaabot ko ang taos-pusong pasasalamat sa inyong walang tigil na pagsuporta!

Sa bagong taon, ipagkakaloob namin ang mas mabuti at maagang serbisyo ng impormasyon sa inyo, aming mga kaibigan. Nang sa gayon, ang CRI ay maging isang mas magandang plataporma sa pagkatuto at pagka-unawa ng mga kaibigan sa Tsina.

Muli, Manigong Bagong Taon, at Mabuhay po!"

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino