Tsina, pinahahalagahan ang aksidente ng pagbangga ng bapor sa East China Sea

2018-01-08 10:44:34

Tsina, pinahahalagahan ang aksidente ng pagbangga ng bapor sa East China Sea

Kaugnay ng aksidente ng pagbangga ng bapor sa karagatan ng East China Sea, ipinahayag nitong Linggo, Enero 7, 2018, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito'y lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino, at ipinadala na nito ang maraming rescue ships sa pook na pinangyarihan upang maisagawa ang gawaing panaklolo.

Ani Geng, kasalukuyang iniimbestigahan ang sanhi ng nasabing aksidente.

Nitong Sabado ng gabi, Enero 6, nagbanggaan ang isang Panama-registered oil tanker at isang Hong Kong-registered bulk freighter, mga 160 sea miles sa dakong silangan ng estuary ng Ilog Yangtze. Nailigtas na ang ilang magdaragat habang ang ilang iba pa ay nawawala.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino