LMC, nagsisilbing bagong puwersang tagapagpasulong sa relasyong Sino-Thai

2018-01-08 10:50:54

Sa darating na Miyerkules, Enero 10, 2018, idaraos sa Cambodia ang Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na dadaluhan ng mga lider mula sa Tsina, Thailand, Cambodia, Laos, Myanmar, at Biyetnam. Sa loob lamang ng dalawang taon, natamo ng LMC ang kapansin-pansing bunga, at magkakasamang nakikinabang dito ang mga bansa sa rehiyong ito. Para sa Tsina at Thailand, ang LMC ay nagsisilbing bagong puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Ang naturang puwersang tagapagpasulong ay nagmula sa malakas na mithiin ng kapwa panig na pasulungin ang LMC. Nitong ilang taong nakalipas, upang mapabilis ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan at mapatingkad ang mas malaking papel sa konstruksyon ng komunidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), noong taong 2012, iniharap ng Thailand ang ideya ng pagpapalakas ng LMC.

Bukod dito, ang naturang bagong puwersa ay makakapagpalakas sa mas mainam na pag-uugnayan ng konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative at plano ng pagpapaunlad ng kabuhayang Thai.

Salin: Li Feng


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino