Hapon, dapat maayos na lutasin ang isyu ng “Comfort Women”-Tagapagsalitang Tsino

2018-01-11 10:52:27 CRI

Ipinahayag Enero 10, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang seryosong haharapin ng Hapon ang pagkabahala ng mga bansang Asyano at komunidad ng daigdig, at maayos na hawakan ang isyu ng “Comfort Women” sa pamamagitan ng responsableng atityud.

Winika ito ni Lu Kang bilang tugon sa pahayag kamakailan ng Ministring Panlabas ng Timog Korea na hindi totohanang malulutas ang nasabing isyu, batay sa “Kasunduan sa Comfort Women ng Timog Korea at Hapon.”

Ipinahayag ni Lu na hindi magbabago ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng “Comfort Women.” Umaasa aniya siyang maayos na lulutasin ng Hapon ang mga may-kinalamang isyu para pangalagaan ang imahe ng Hapon at katarungan ng kasaysayan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino