Mga kaalaman ng 19th National Congress, inilahad ng delegasyon ng CPC sa Pilipinas

2018-01-11 18:26:30

Manila, Pilipinas-Idinaos dito Huwebes, ika-11 ng Enero, 2018 ang isang pulong para ilahad ng delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mga kaalaman at ideya ng 19th National Congress sa mga personahe ng iba't ibang sektor ng Pilipinas.

Mga kaalaman ng 19th National Congress, inilahad ng delegasyon ng CPC sa Pilipinas

Pangulong Duterte habang kinakamayan si Embahador Zhao Jianhua ng Tsina sa Pilipinas. Sa likod makikita si Meng Xiangfeng, puno ng delegasyong Tsinong dumadalaw sa Pilipinas

Ang delegasyong ito ay pinamunuan ni Meng Xiangfeng, Miyembro ng Komite Sentral ng CPC.

Kinatagpo rin ang delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na siya ring Tagapangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sa pulong na ito, mataas na tinasa ng mga kalahok na Pilipino ang kahalagahan at katuturan ng 19th National CPC Congress, lalo na ng “Xi Jinping's Thought on Socialism with Chinese Characteristics for a New Era” para sa buong daigdig.

Mga kaalaman ng 19th National Congress, inilahad ng delegasyon ng CPC sa Pilipinas

Meng Xiangfeng, puno ng delegasyong Tsino (pangatlo mula sa kaliwa) kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte (pang-apat mula sa kaliwa) at iba pang opisyal Pilipino

Hinangaan din nila ang mga hakbangin ng CPC para isagawa ang napakahigpit na pangangasiwa sa mga suliranin ng partido.

Ipinahayag ng panig Pilipino na nakahanda nitong pag-aralan, kasama ng panig Tsino, ang karanasan ng isa't isa ukol sa pangangasiwa sa mga suliranin ng partido at pagpapasulong ng pambansang pag-unlad, at palalimin ang mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa para magdulot ng mas maraming kapakanan para sa kanilang mga mamamayan.

Photo Source: PCOO

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino