Tsina, nagdaos ng New Year Reception para sa mga dayuhang mamamahayag

2018-01-13 16:29:25 CRI

Idinaos kagabi, Biyernes, ika-12 ng Enero 2018, sa Beijing, ng Ministring Panlabas ng Tsina ang New Year Reception para sa mga dayuhang mamamahayag na nakatalaga sa Tsina.

Sinabi sa resepsyon ni Qin Gang, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa bagong taong ito, batay sa pangkalahatang planong pangkaunlaran na iniharap sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang iba't ibang usaping pang-estado, at palalalimin ang reporma at pagbubukas sa labas. Patuloy rin aniyang palalakasin ng Tsina ang pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang bansa, para pasulungin ang pangmatagalang kapayapaan, panlahat na katiwasayan, komong kasaganaan, pagbubukas, at magandang ekolohiya ng daigdig.

Ipinahayag din ni Qin ang pag-asang, igigiit ng mga dayuhang mamamahayag na nakatalaga sa Tsina ang makatarungan at obdiyektibong atityud, para patuloy na saksihan ang pag-unlad ng Tsina sa makabagong panahon, at kahalagahan ng pag-unlad ng Tsina sa buong daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino