Tsina, patuloy na isusulong ang kooperasyong Sino-Aprikano — Wang Yi

2018-01-14 14:20:16

Kigali, Rwanda - Isinalaysay nitong Sabado, Enero 13, 2018, sa media ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang ideya ng panig Tsino tungkol sa pagdaraos ng bagong Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) dito sa Tsina.

Ipinahayag ni Wang na ang FOCAC ay isang mahalagang tsanel kung saan isinasagawa ang kolektibong diyalogo ng Tsina at mga bansang Aprikano at pinapalalim ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Ito rin aniya ay pinakamalawak at pinakamabisang plataporma ng South-South Cooperation. Sa kasalukuyang taon, itataguyod ng Tsina ang bagong FOCAC. Batay sa positbong pag-asa ng mga bansang Aprikano, ipinasiya ng panig Tsino na i-upgrade ang lebel ng porum sa summit, aniya pa.

Idinagdag pa ni Wang na hinahangaan at kinakatigan ng maraming bansang Aprikano ang "Belt and Road" Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng magkakasamang pagtatayo ng Tsina at Aprika ng "Belt and Road," mapapasigla pa ang kooperasyong Sino-Aprikano.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino